Taxikick

Report abusive taxi drivers in the Philippines


Name of taxi: ALTA

Usual routine namin magkakaklase na mag carpool ng taxi para maka save ng money for fare at iwas na rin sa mrt-lrt route. Ang route ay Chino Roces pero daan ng MRT TAFT (via Quiapo-Roxas Blvd-EDSA), usual fare is P210-230. 9:50 am sumakay kami sa ALTA Taxi na may plate number na TXY 596 at may telephone number na 532-7604. Ang ID ng driver ay nahaharangan kahit pa ito ay naka ipit lamang sa gitna ng windshield, kung kaya ang nababasa lamang sa pangalan niya ay “Solis” na nasa pinaka kanang bahagi ng ID. Dahil Friday ngayon, umiwas kami sa usual route dahil Quiapo day, dumaan kami sa P. Noval hanggang tumagos sa gilid ng San Sebastian Church, Ayala Bridge at Roxas Blvd. Sa Burgos drive pa lang paliko ng Roxas blvd., kataka-taka na na 140 pesos na agad yung metro, dito ako naging suspicious. Napansin din ng katabi kong si Chelca Ubay na mabilis nga ang patak ng metro. Nung bago kami sumampa sa Gil Puyat overpass, napansin na ng kasama namin na katabi ng driver, si Arthur Tenorio, na wala pang 10 seconds, tatlong beses nag adjust yung metro. Sinita ng kasama ko at ipinakita ni Mr. Solis (driver) na selyado ang metro niya nang ipakita niya yung kulay na pink na tila isang lock na naka kabit sa mga wire ng metro niya na nagpapahiwatig na normal nga lang at walang sira yun. Pagkatapos nun ay tumakbo pa rin ng mabilis ang metro ngunit hindi na tumatalon yung pamasahe. Pagkaliwa namin sa EDSA umabot na sa 230+ ang metro. Dapat bababa na ang dalawa naming kasama na sina Paula Pacle at Chelca Ubay sa MRT Taft station. Ngunit hindi sila binaba ng driver at sinasabi na may multa daw na 750. Kung kaya binaba silang dalawa sa Aurora Blvd. na papuntang airport. Pagbaba ng dalawa naming kasama na sina Ms. Pacle at Ms. Ubay ay umabot ang pamasahe sa 285. Kapuna puna na nagbago ang mood ni Mr. Solis simula nung napansin namin na mabilis ang takbo ng metro, lalo na nung sinita niya na nagiwan pa daw ng basura yung dalawa naming kasama na bumaba samantalang may dalawa pa naman siyang pasahero sa loob ng taxi niya. Pagkatapos nun ay bumalik kami sa EDSA at dumaan sa ilalim ng Magallanes overpass para lumiko pakaliwa ng highway at kumanan upang makarating ng Chino Roces. Pagbaba namin sa Sabio Street, pagitan ng La Fuerza II building at Ford Makati, ang metro ay umabot sa 323.50 na lubhang malayo sa binabayaran namin kahit pa na mas napabilis ang biyahe dahil umiwas kami sa Quiapo.

Over charging, Tampered or broken meter