Taxikick

Report abusive taxi drivers in the Philippines


WIR299 - EP Village Pinagsama Taguig

Name of taxi: I dont know

Isa akong buntis, pagod galing sa trabaho at medyo umuulan. Pagsakay ko pa lamang ay tinatanong na ng driver kung sa looban ang bababaan ko. Nung makarating sa kanto, paulit ulit nyang tinatanong kung malayo pa ba na prang ayaw na akong ihatid sa mismong bahay ko. Nung malapit na saamin, nagpasya syang ibaba na ako dahil mahihirapan daw syang umikot. Konting lakad lang naman, pero mahirap para sakin bilang limang buwang buntis at umuulan. Sumama din ang loob ko dahil pataas ang boses nya simula nung sumakay ako at hanggang sa pagbaba ko. Hindi na rin nya ako sinuklian, na hindi na rin bago dahil lahat ng taxi driver ay ganito. Metro = 106.55
Nagbayad ako ng P110 Kung gagawin nila ito sa lahat ng pasahero, siguradong malaking halaga ang maiipon nila.

Over charging, No receipt